Game Over Na

Heto na naman ako at siya pa din ang bida sa kuwento ko. Limang buwan na ang lumipas pero eto pa rin ako, siya pa din ang laman ng puso at utak ko. Kung meron mang nagbago, yun ay hindi na ko umiiyak ngayon. Naiisip ko pa din siya at ang mga nangyari pero siguro nga, kahit paano ay tanggap ko na din ang lahat. Ganun talaga eh. Alam kong may mas magandang plano si Lord para sa akin.

Read the rest of this entry

Advertisements

Pangarap Na Lang

Kahit wala ng namamagitan samin ngayon, wala pa din naman halos nagbabago sa nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko pa din siya sa kabila ng lahat. Siguro hindi na mawawala yun concern ko sa kanya, dahil mahalaga talaga siya sa akin. May komunikasyon man kami o wala, di naman nagbabago yun. Ganun siya sa akin. Nasaktan man nya ko ng ilang beses, di ko pa din magawang magalit sa kanya ng tuluyan. Gusto ko pa din siyang mapabuti at maging masaya.

Read the rest of this entry

Hindi Pa Din Okay

Napakahirap para sa akin ng buwang ito. Napunta na naman ako sa posisyong minsan kong nakalagyan at pilit kong kinakalimutan sa loob 7 taon. Magkaiba man yung taong sangkot sa lahat ng nangyayari, kung hindi mas magkasing sakit, mas masakit yata yung pinagdadaanan ko ngayon. Pasko at Bagong pa naman tapos nagkakaganito ako. Pilit kong inaayos ang sarili ko, halos di ko kinakaya yung mga nagdadaang araw. Minsan lang mangyari sakin yun ganito pero sobra-sobra yung hirap at sakit. Alam kong halos lahat dumadaan sa ganito, ang sakit sakit lang talaga.

Read the rest of this entry

Pwede Bang Maglaho Na Lang?

Halatang apektado ako, napapadalas ang pagsusulat ko dito nitong nakaraan. Ang sakit. Ang hirap. Kahit na ayaw ko masyado dibdibin at iniiwasan ko na maapektuhan, di pa din pala pwede. Lalo na ngayon na mas marami pa kong nalaman mula sa mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung paano ako magre-react, kung paano ko tatanggapin ang lahat. Nung nagkwento sila, hindi ako bigla makapagsalita. Bigla akong nanlambot at di mapakali. Parang gusto ko na lang maglaho bigla. Gusto ko umiyak pero ayoko na siyang iyakan. Di ko na sya dapat iniiyakan, lalo na pagkatapos ng mga ginawa nya. Akala ko di ko na ulit mararamdaman yung ganito pero eto na naman ako. Hay.

Read the rest of this entry

Okay Na, Tama Na

Ang saya ko sana ng araw na ‘to. Nadalaw ko kasi yung 2 inaanak ko na halos magka-edad, limang araw lang ang pagitan ng edad at sabay pa bininyagan noong nakaraang buwan. Kaso may naikwento yun kaibigan namin tungkol sa kanya. Okey pa ko nun e, medyo di ko pa kasi iniisip yun nalaman ko. Tapos pagdating ng hatinggabi, saka naman ako may bagong nalaman tungkol sa kanya, hay.

Read the rest of this entry

Mahal. Masakit. Sobra.

Heto na naman ako. Eto kasi talaga yung isang takbuhan ko, ‘pag di ako pwede lumabas para libangin ang sarili ko. Di ko alam kung pano ko sisimulan. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang dami kong naisip na pwedeng mangyari, pero di ko naisip na ganito pala magiging ending namin. Sabi na nga ba’t hindi mangyayari yun mga naiisip ko. Hay.

Read the rest of this entry

Pagkatapos ng Halos Isang Taon

Ang tagal ko na palang hindi nakapagsulat dito. Hindi ako sobrang abala pero siguro nakatamaran na din. Saka mas naging aktibo ako sa kabilang blog ko. Sa totoo lang, di ko alam kung anong isusulat ko. Meron akong iniisip matagal na pero parang lagi na lang tungkol dun. Naisipan ko tuloy basahin yung huling mga sinulat ko dito. Ang tagal na pala, halos isang taon na din. Ang masaklap, yun pa din naman ang isusulat ko ngayon. Paulit-ulit na lang pala talaga.

Read the rest of this entry

Tigilan Na Kasi

Wow, ang tagal ko na palang di nakakapagsulat dito. Siguro dahil na din masyado akong naging abala bukod pa sa wala naman akong ganong maikukuwento. Kaya lang, eto na naman ako. Sa mga ganitong pagkakataon talaga, dito talaga ako tumatakbo minsan. Gusto kong mapag-isa, lumabas at pag-isipan na mabuti ang lahat pero alam kong imposible sa ngayon. Magkakaroon lang ako ng pagkakataon na gawin ito ‘pag nasa Maynila ako at walang kasama. Kaya habang hinihintay ko ang pagkakataong iyon, dito na lang muna ako babawi.

Read the rest of this entry

Pag-alis At Pagbabalik

Medyo naging abala ko sa pag-aaral at trabaho nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang din ako nakahanap ng pagkakataon na magsulat dito kahit madami ng nangyari. Lagi kong sinasabi na magsusulat ako pero lagi ko din namang nakakalimutan hanggang sa nawala na sa isip ko yung gusto kong sabihin at ibahagi dito.

Read the rest of this entry

Pag-Ibig At Radyo

Nitong nakaraang buwan, madalas kong makita sa timeline ng Twitter ko ang mga payo ni Papa Jack ng Love Radio. Madalas kasi i-retweet ng ilan sa mga contacts ko sa Twitter. Karamihan naman sa mga payong ito ay may laman talaga at tama, ayon sa pananaw ko. Pamilyar sa akin ang pangalan ni Papa Jack dahil madalas akong makinig sa radyo noon. Ginagawa ko pa ngang pampatulog yun dati pero hindi ako sigurado kung siya nga yun talaga. Nagkataon na pati pala ang kapatid ko ay nakikinig sa kanya. Mapakikinggan siya mula Lunes-Biyernes 9:00 ng gabi hanggang 2:00 ng madaling-araw. Di bale sa loob ng oras ay may 2 siyang programa РTLC (True Love Confessions) at WC (Wild Confessions). Ang una ay tungkol sa mga problema sa pag-ibig ng mga tagapakinig na tumatawag kay Papa Jack samantalang ang WC ay tungkol naman sa mga kalokohan at kakaibang karanasan nila.

Read the rest of this entry